INIREREKOMENDA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na i-disable o huwag munang paganahin ang mga emoji tuwing may livestreaming ng Banal na Misa para maiwasan ang anumang distraction o pagkagambala sa pagdaraos nito.
“Christ’s faithful are to hold the blessed Eucharist in the highest honor,” sinabi ng CBCP sa kanilang mga inirekomendang alituntunin para sa livestreaming ng liturhiya.
“To this end, we are to avoid any possible distractions. Chat rooms and running commentaries (prayer intentions and the like), as well as emoji reactions should be disabled while Mass is going on,” dagdag pa ng grupo.
Sa mga alituntunin, sinabi ng CBCP na lahat ng online Masses ay dapat na nakarehistro sa Diocese kung saan masusubaybayan nito ang online Masses.
“This way, the Diocesan Bishop can either encourage more online Masses, or limit them if they are already too many, or if they are not in keeping with the liturgical standards,” dagdag pa ng CBCP.
Sinabi ng CBCP na ang Misa ay dapat ipagdiwang sa sagradong lugar at idinagdag na ang anumang iba pang lugar ay dapat ituring na katangi-tangi.
Idinagdag nito na sa mga dioceses kung saan mayroon nang Mass Media Ministries, hinihikayat na maging sentralisado ang mga Misa sa pamamagitan ng kanilang Mass Media Ministry.
“As much as possible, only live-streamed Masses and not pre-recorded Masses should be transmitted and participated by those who wish to join it in prayer and in spiritual communion,” sinabi ng CBCP.
Ilan lamang Ito sa rekomendasyon ng CBCP sa guidelines na inilabas noong Enero 25 ng taong ito.
Ang mga simbahan ay nagpapatuloy pa rin sa kanilang pagdaraos ng online na mga Misa para sa mga taong hindi maaaring pisikal na makapunta sa simbahan dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease. .

