PATULOY na sinisikap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maibalik ang mobility at connectivity sa natitirang pitong national roads sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong Odette.
Kabilang rito ang Palawan, Bohol, Cebu at Dinagat Islands.
Ilang mga kalsada ang natukoy ng DPWH base sa isinumiteng report ng DPWH Bureau of Maintenance na kailangang tutukan para nalinis at maibalik.
1) Puerto Princesa North Road (SO0030PW), Langogan Bridge, Brgy Langogan, Puerto Princesa City
2) Puerto Princesa North Road, Tagburos Bridge II, Puerto Princesa City
3) Balilihan Hanopol-Bayuhan Road sa Bohol
4) Cebu-Toledo Wharf Road in Talisay City
5) Toledo-Pinamungajan Aloguinsan-Mantalongon Road, Brgy. Cabitoonan, Toledo City
6) Santander-Barili-Toledo Road, Sariling Bridge in Malabuyoc, Cabue
7) Dinagat-Loreto Road , Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands
Samantala, limang kalsada pa ang hirap pa ring daanan tulad sa;
1) Puerto Princesa North Road, Tanabag Bridge II, Maoyon Bridge, San Rafael Bridge, Concepcion Bridge, Olanguan Bridge, Babuyan Bridge sa Puerto Princesa
2) Jct. SH Impasug-ong – Patulangan By-Pass Rd, Bukidnon
3) Dinagat-Loreto Road, Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands l
4) NJR Bah-Bah-Talacogon Rd. in Brgy, Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur
5) NRJ Bayugan-Calaitan-Tandag Road in Brgy. Berseba, Bayugan .
Ang nasabing mga kalsada ay hindi madaanan dahil sa mga nagtumbahang puno, poste ng kuryente, pagbaha, pagguho ng lupa at landslide.

