Dalawa, kulong sa P61k shabu sa Malabon

ARESTADO ang dalawang bagong identified drug personalities, kabilang ang isang babae, sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jamica Pamandanan alyas “Mica,” 24 anyos, at Vicente Mendiola II alyas “Toy,” 33 anyos, kapwa ng Brgy. Potrero.

Ayon kay PMSgt. Randy Billedo, dakong alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa University Ave., Brgy. Potrero.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl. Erniel Jay Cantos na umakto bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 9 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P61,200 at marked money.

Nahaharap ang naarestong mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.