MASAYANG ibinalita ng singer-actor na si Inigo Pascual nitong nakaraang linggo na magiging parte siya ng isang orihinal na Fox musical-drama series na pinamagatang “Monarch.”
Hindi inaasahan ni Inigo ang pagpasa niya sa audition para sa parating na bagong palabas dahil ito ang kanyang unang audition sa ibang bansa.
Ayon kay Inigo, maayos naman ang kanyang career dito sa Pilipinas; masaya siya sa kanyang music career kaya hindi sya makapaniwala na papasa siya sa nasabing audition.
Ang kanyang mga manager di-umano ang nagtulak at nagbigay ng kumpiyansa sa kanya at tiwala sa kanyangsarili para sumabak sa malaking oportunidad na ito.
Si Inigo ay gaganap bilang si Ace Grayson, isang 18 year old na galing bahay ampunan na kinupkop ng karakter na si Nicky Roman kasama ang asawa nito na si Clive.
Makakasama naman ni Inigo ang Oscar-winning actress na si Susan Sarandon, na gaganap bilang Queen of Country Music na si Dottie Roman at Anna Friel bilang tagapagmana ng korona na si Nicky Roman, at marami pang ibang artista.
Sa ngayon ay binigyan ng isang taon upang tapusin ni Inigo ang mga kailangan niyang gawin sa bansa bago lumipat sa Atlanta kung saan gaganapin ang palabas.
(PHOTO CREDIT: PEP.ph)

