Pinoy teenager, naka-imbento ng wireless power source

ISANG teenager na Pinoy, si Jhentrix Castillo mula sa Cabuloan, Bangued, Abra, ay naka-imbento ng isang wireless power source.

Sinasabi niyang naging inspirasyon niya ang kanyang dating guro na si Joseph Garcia. 

Sa isang demonstration, nakaya niyang hawakan ang kuryente na lumalabas mula sa kanyang imbensyon at napa-ilaw din niya ang bumbilya habang papalapit sa kanyang naimbentong wireless power source. 

Sa imbensyon niyang ito, gumagamit si Castillo ng Tesla coil at laptop charger para ma-convert ang power supply mula sa 24 volts at maging 30 volts, at kasama dito ang mga recyclable na gamit tulad ng plastic na bote.

Hinahangaan niya ang scientist na si Nikola Tesla, na kung saan niya hinango ang kanyang naging imbensyon.

Incoming grade 12 student si Castillo sa Abra High School at kilala din ang paaralan sa larangan ng robotics. 

(PHOTO CREDIT: Dandamag Abra Facebook account)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.