ISANG laro lamang sa Philippine Basketball Association (PBA) ang ginanap sa araw na ito ng Sabado, Setyembre 4,
Ang orihinal na schedule na double header ay ginawa na lamang isa matapos ipahayag ng liga na ang laro sa pagitan ng San Miguel Beermen at ng Alaska Aces ay ipinagpaliban muna at itutuloy na lamang sa ibang araw alinsunod sa mga alituntunin para sa proteksyon sa kalusugan at kaligtasan ng liga.
Magaganap sana ang laro sa pagitan ng SMB at Alaska ngayong 4:35 ng hapon. sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Ang laro naman sa pagitan ng Phoenix Super LPG at NLEX Road Warrior, na dapat ay gaganapin sa alas 2 ng hapon, ay inilipat sa 4:35 ng hapon. sa parehong venue.
(PHOTO CREDIT: pba.ph)

