Safari, aviary, iba pang atraksiyon, masisilayan nang muli sa Manila Zoo sa Disyembre

INAASAHANG masisilayan na muli ng publiko ang bagong mukha ng Manila Zoo sa Disyembre.

Ilan lamang sa mga atraksyon na makikitang muli ng publiko ay ang aviary, safari, at butterfly farms na kahalintulad ng makikita sa zoo sa Dubai.

Plano rin bumili ng pamahalaang lungsod ng mga “golf carts” na maaaring magamit ng mga mamamasyal na senior citizen na bibisita sa Manila Zoo.

Sa kanyang pag-iinspeksyon kahapon kasama si Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa isinasagawang rehabilitasyon ng zoo, sinabi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na ang pagsasaayos nito ay malapit nang matapos.

May golf carts tayong bibilhin para sa senior citizens na papasyal. Safari design ng golf cart, kasama ang mga apo nila na magda-drive,” pahayag ni  Domagoso.

Sinabi pa ng alkalde na napanatili ang nagtatayugang mga puno sa Manila Zoo  dahil hindi ito ginalaw o pinutol sa nagpapatuloy na rehabilitasyon.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Taong 2019 nang ipasara ang Manila Zoo para sumailalim sa rehabilitasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.