PNP talo sa kaso vs OSG sa inaangking lupa sa Zambales

Share this information:

KINATIGAN ng kataas-taasang hukuman ang Office of the Solicitor General (OSG) sa argumento nito na ang lupain na inaangkin ng Philippine National Police (PNP) sa Zambales ay hindi rehistrado. 

Dahil dito ay tuluyang natalo sa nabanggit na kaso ang PNP at nawala na sa kanilang pangangalaga sa pag-aangkin sa may 9.7 ektaryang lupain sa lalawigan makaraang pangibabawin ng korte suprema ang pagpabor sa OSG.

Batay sa 13-pahinang desisyon na ibinaba nitong September 2, 2021 ni Associate Justice Ramon Paul Hernando ng Supreme Court 3rd Division, pinayagan nito ang hiling ng OSG na baliktarin ang unang naging desisyon ng Court of Appeal (CA) nitong August 6, 2021.

Sa nasabing kaso ng CA, kinatigan nito ang naging desisyon ng Iba, Zambales Regional Trial Court (RTC) Branch 69 na siyang nagbibigay kapangyarihan sa PNP sa hiling na ipa-rehistro ang mahigit 9 na ektaryang lupain sa pangalan mismo ng organisasyon.

Ang naturang lote ay nasa posesyon ng PNP mahigit 30 taon na.

Subalit sinang-ayunan ng korte suprema ang argumento ng OSG na hindi maaaring bigyan ng rehistrasyon ang lupain dahil ito ay ginagamit para sa reserbasyon sa mga military activities at purposes.

Nabatid na ang lupang nais iparehistro ng PNP sa ilalim ng kanilang pangalan ay ginamit na simula pa noong panahon ng Philippine Constabulary (PC).

“In the instant case, the PNP did not submit a DENR certification to the effect that the subject lots are alienable and disposable lands of the public domain, which was the prevailing requirement when its application for land registration was pending with the RTC. The PNP merely submitted a subdivision plan of Lot No. 713, Cad 191, Iba Cadastre, which indicated that the subject lots are alienable and disposable,” pahayag ni Hernando.

Giit pa ng naturang hukom na ang mga ebidensyang naisumite ng PNP sa kanila ay hindi sapat.

“In fine, we find that the respondent’s evidence does not suffice to entitle it to register the subject lots. The PNP failed to present any evidence showing that the DENR secretary had indeed released the subject lots as alienable and disposable lands of the public domain,” giit pa ng hukom.

Nauna ng umapela ang OSG sa RTC makaraang aprubahan nito ang hiling ng PNP na iparehistro ang lupain sa ilalim ng kanilang pangalan dahil sa nabigo ang organisasyon na mapatunayang “alienable” at “disposable” ang lupain base na rin sa report ng Community Environment and Natural Resources Office o CENRO.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.