POSIBLENG sa susunod na taon ay makakabili na sa Pilipinas o magiging commercially available na ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) chief Undersecretary Eric Domingo na maaaring maibenta na sa bansa ang bakuna kapag nabigyan na ito ng full approval.
Nauna rito, inaprubahan na ng Estados Unidos ang full approval ng bakuna ng Pfizer na kauna-unahan sa lahat ng brands na emergency use authorization (EUA) pa lamang ang hawak sa ngayon.
Gayunman, sinabi ni Domingo na nakadepende pa rin sa Pfizer kung magsusumite na rin ito ng application for a certificate of product registration o market authorization sa Pilipinas.
Sa ngayon ay wala pa naman aniyang abiso ang Pfizer bagamat nagpadala na sila ng requirements at nasabihan na rin sa proseso para sa pagpaparehistro ng bakuna laban sa COVID-19.

