Pagiging bukas-puso, hiling ni Cardinal Tagle sa mga Pilipino

HINILING ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples, ang pagbubukas ng puso ng bawat mamamayan upang matulungan ang mga biktima ng lindol sa Haiti, krisis pang ekonomiya sa Lebanon at kaguluhan sa Afghanistan.

Ang panawagan ni Cardinal Tagle ay kasabay pa ng lumalalang sitwasyon dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Binanggit ng opisyal ang lumalalang krisis sa Lebanon gayundin ang nangyaring lindol sa Haiti na kumitil ng maraming buhay.

Idinagdag pa nito ang tensyon sa Afghanistan dahil sa pagpapalit ng pamamalakad ng gobyerno nang tuluyang masakop ng mga pwersa ng rebeldeng Taliban ang sentro ng bansa, kasabay ng paglisan ng mga pwersang Amerikano at mga opisyal ng gobyerno sa naturang lugar.

Sa sama-samang panalangin, kumpiyansa ang kardinal na mapapagtagumpayan ang mga hinaharap na krisis sa buong mundo sa pagtutulungan na rin ng bawat isa.

(PHOTO CREDIT: cbcpnews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.