ISANG sampung-palapag na gusali para sa isang pampublikong paaralan sa Sampaloc ang itatayo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng layunin ng lungsod na palakasin at pagandahin pa ang sistema at pasilidad ng pampublikong paaralan.
May sukat na 1.5 hectares amg naturang gusali na mayroong 234 na airconditioned classroom, 16 opisina, 2 outdoor basketball court, gym, library, auditorium, cafeteria at elevator.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony sa Dr. Albert Elementary School sa Dapitan Street, Sampaloc, Manila.
Nais ng alkalde na gawing maayos at komportable ang pasilidad para sa mga batang mag-aaral upang maranasan din nila ang tulad ng nararamasan ng mga nag-aaral sa pribadong eskwelahan.
Matatandaan na ang Dr. Alejandro Albert Elementary School ang isa sa tatlong paaralan na ipapaayos ng lungsod kung saan una nang sinimulan ang pagsasa-ayos sa Manila Science High School at Rosauro Almario Elementary School na pinaglaanan naman ng P5-bilyong pondo.
(PHOTO CREDIT: Manila PIO)

