Quezon City, nangunguna bilang “high-risk” dahil sa pinakamaraming kaso ng Covid-19

NASA “high risk” ngayon ang Quezon City matapos manguna sa mga nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng Covid-19 sa nakalipas na pitong araw.

Ito ay batay sa latest update ng Octa Research mula July 23 hanggang 29 ay umabot sa 221 ang avarage daily new cases sa lungsod.

Pumangalawa naman ang Cebu, sumunod ang Davao, Cagayan de Oro at Maynila.

Sa buong Pilipinas, ang Quezon City ay nakapagtala ng 6,003 average daily new cases sa nakalipas na pitong araw.

Samantala, sa isa namang pahayag, ikinagalak ng Octa Research ang gobyerno sa pagpabor sa mungkahi nilang dalawang linggong mas mahigpit na mga panuntunan sa National Capital Region (NCR).

Umaasa ang octa na magkakaroon ng mahusay na estratehiya ang mga LGU sa pakikipagtulungan na rin ng mga komunidad at pribadong sektor upang tuluyang mapigil ang pagkalat ng delta variant ng Covid-19.

Home isolation, bawal na

Dahil narin sa banta ng mas nakahahawa at nakamamatay na Delta Variant, hinikayat naman ng pamahalaang lokal ng Quezon City na dalhin sa isolation facility ang lahat ng pasyente na magpo-positibo sa COVID-19, may sintomas man o wala.

Kasama rin dito ang mga nakasalamuha ng nagpositibo (close contact) na mayroong sintomas ng COVID-19.

Layunin nito na protektahan ang pamilya ng QCitizens at buong komunidad nito.

Nais umano ng QC LGU, na makapagbigay ng nararapat na kalinga sa mga COVID-19 patients sa loob ng kanilang isolation facility na tinawag na HOPE at mga Baranggay Isolation Faclities na kanilang magiging pansamantalang tahanan.

Hindi rin umano mawawalan ng On-duty Doctors at healthcare workers ang mga facility upang masiguro na well-monitored ang bawat pasyente.

Para sa mga may katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance Facebook page.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.