8 kidnappers arestado sa pagdukot sa isang Chinese sa Quezon City

NASA walong indibidwal ang dinakip ng mga awtoridad matapos ang isinagawang rescue operation sa isang Chinese national na kanilang dinukot sa Quezon City.

Natukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek na sina Jaypee Mangalindan, 22; Ralph Garma, 29; Rustom Laurencio, 22; Glenn Garcia, 26; July Monterde, 20; Joel Mariano, 35; Carlo Villador, 20, at Realan Labto, 33.

Habang ang biktima ay nakilalang si Qin Zhi  Xuan,  29,  pansamantalang nanunuluyan sa Gold Mine Tower sa Malate, Manila.

Ang nabanggit na mga suspek ay nanguna umano sa pagdukot at paghingi ng ransom kay Xuan bilang kapalit ng pansamantalang paglaya nito kung saan sa isang Salon and Spa ikinulong ang banyaga.

Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng  Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-4:30 ng madaling araw ng Biyernes, July 30, nang maganap ang insidente sa  JAS Salon and SPA na matatagpuan sa  No. 4 C Samat Road, Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga tauhan ng Holy Spirit Police Station na may isang Chinese ang ikinulong sa nabanggit na salon.

Ayon sa confidential informant, hinihingian umano ng mga suspek ang biktima ng malaking halaga kapalit ng l kalayaan nito.

Dahil dito ay agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at sinalakay ang nasabing lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang  isang .45 caliber pistol na may  dalawang magazine at naglalaman ng 12 bala,  pulang Mitsubishi Mirage (B6 D319), at iba’t ibang mamahaling cellphone.

Inihahanda na ang kasong  Serious Illegal Detention, Robbery (Extortion) at RA 10591 laban sa mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.