ALAM naman ng nakararami na ang panahong ito ay ang tinatawag na “flu season,” mula sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre, at kung saan ang mga kaso ay mas dumadami sa buwan ng Agosto.
Ito ang dahilan kung bakit iminumungkahi ng mga eksperto ang pagbabakuna gamit ang flu vaccine ay marapat na ginagawa mula Pebrero hanggang Hunyo.
Gayunpaman, minabuti ng Department of Health, ng pamahalaang bayan ng Taytay at ng RRCG Transport na maglunsad ng isang bagong programa bilang tugon sa nakaambang mga karamdamang dulot ng tag-ulan gaya ng flu o trangkaso.

Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, isang mobile flue vaccination bus ang iikot sa buong bayan para sa libreng flu vaccine sa mga senior citizens bilang tugon sa napapanahong paglaganap ng trangkaso.

