NASA 97 pang mga kaso ng Delta (B.1.617.2) variant ang natukoy ng Philippine Genome Center (PGC) sa pinalawak na whole genome sequencing,
Bukod dito, may natukoy ding karagdagang 83 kaso ng Alpha (B.1.1.7) variant, 127 kaso ng Beta (B.1.351) variant, at 22 kaso ng P.3 variant sa huling batch ng resulta ng isinagawang whole genome sequencing.
Sa mga kaso ng Delta variant, 88 ang local cases at anim ang Returning Overseas Filipino (ROF) habang tatlo pa ang biniberipika.
Sa anim na ROFs, kabilang rito ang dalawang seafarers mula sa MT Clyde at Barge Claudia, at ang apat na crew ay mula sa MV Vega na dumating galing Indonesia.
Ang kabuuan ng Delta variant sa ngayon ay umabot na sa 216.
Ang natukoy namang Alpha variant case, 68 rito ang local cases at 15 ang biniberipika pa.
Sa ngayon umabot na sa 1,856 ang kaso ng Alpha variant sa bansa.
Sa karagdagang Beta variant cases, 106 were local cases at 21 cases ang biniberipika.
Umabot naman sa 2,146 na kaso ang Beta variant.
Sampu naman mula sa karagdahang kaso ng P.3 cases ay local cases habang 12 kaso ang biniberipika pa kung local o ROFs.
Kasunod ng pagkakatuklas ng mga karagdagang kaso na may variants of concern, kinakailangan para sa mga yunit ng lokal na pamahalaan na agad na durugin ang mga clusters ng impeksyon at obserbahan ang pagtaas ng mga kaso sa kani-kanilang mga nasasakupan upang mabawasan ang transmission..

