Hospicio de San Jose, naka-lockdown; umaapela ng tulong

Humihingi ng tulong ang Hospicio de San Jose Orphanage matapos itong isailalim sa lockdown.

Isinailalim ang ampunan sa lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani ng institusyon.

Nasa ilalim ng pangangalaga ng Sisters of the Daughters of Charity ang Hospicio de San Jose kung saan 14 na mga kawani ng ampunan at apat na mga matatanda ang nagpositibo sa COVID-19 habang isa na sa mga ito ang nasawi.

Isinailalim na ang lahat sa swab testing at hindi pinahihintulutan  ang sinuman na makalabas o makaalis ng Isla Convalecencia.

Umapela naman ang institusyon ng tulong o donasyon dahil sa pangambang magkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain sa may 450 indibidwal sa Hospicio de San Jose na kinabibilangan ng mga bata at matatanda na inaaruga ng institusyon.

Hospicio de San Jose, an orphanage under the management of the Sisters of the Daughters of Charity, is presently under lockdown. 14 of their staff and 4 elders are found to be Covid positive and one of the elders already died. All are now undergoing swab test. They are not allowed to leave Isla Convalecencia. They are running out of food because nobody is donating to them and the sisters are worried about the children and elders,” apela ng pamunuan ng Hospicio de San Jose.

Partikular na kinakailangan sa ngayon ng ampunan ang mga donasyon na “in kind” na kung saan bukod sa pagkain ay partikular ding kinakailangan ang mga diaper at gatas na pang-sanggol at pang-matanda.

Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong maaring makipag-ugnayan kay Sister Marcelita Catarina D.C. ng Hospicio de San Jose sa numero bilang 0908 865 0251 at 0945 481 8930 o kaya naman ay personal na magdala ng donasyon sa Hospicio de San Jose na matatagpuan sa Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.