Cardinal Advincula, natakot ng italaga bilang Manila Archbishop

SINABI ni Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na nakaramdam ito ng bahagyang takot nang italaga siya ng Santo Papa bilang  bagong Manila Archbishop.

Ayon sa  Archbishop-elect  sa panayam ng Radio Veritas na bilang pastol ng simabahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap.

Ayon pa sa bagong Manila Archbishop, nakaramdam ito ng bahaagyang takot sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglingkod siya sa highly urbanized city.

Sa kabila nito, buong pusong ipiangkatiwala ng Cardinal sa Panginoon ang kanyang bagongmisyon na maging punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ng Arkidiyosesis.

“Ang naramdaman ko when I was told by the nuncio that the Holy Father has appointed  me na arsobispo of Manila yung takot kaso that will be my first time to be assigned sa isang highly urbanized area ang Metro Manila  which is the capital of the country; I know it is very challenging assignment and very overwhelming but because  this is the will of God and of the Holy Father then by obedience I have to accept,” ani Cardinal Advincula.

Unang nanilbihan ang Arsobispo ng isang dekada sa Diyoses ng san carlos sa Negros noong 2001 bago mailipat sa Arkidiyoses ng Capiz noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.

Siya ay tubong Dumalas Capiz at ipinanganak noong Marso 30,1952 at naordinahang pari noong ASbril 14,1976 sa Arkidiyoses ng Capiz.

Nag-aral ng psychology sa De La Salle University of Manila, canon law naman sa University of Santo Tomas, licentiate ng canon law sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas-Angelicum sa Roma.

Bukod pa rito nagsilbi rin ang Cardinal sa seminaryo ng Vigan, Nueva Segovia at ng Jaro sa Iloilo. Nobyembre 28, 2020 nang maging Cardinal habang Disyembre 26, 2020 naman ng italaga kasapi ng Congregation for the Clergy ng Vatican. Si Cardinal Advincula ang kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle makaraang italaga ng Santo Papa bilang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican noong 2019.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.