Mayor Isko pabor sa 10% capacity sa religious gathering

PABOR si Manila Mayor Isko Moreno sa  desisyon ni Archdiocese of Manila Bishop Broderick Pabillo  na  ipatupad ang 10% seating capacity sa mga simbahan.

Kahapon ay nilinaw ni Moreno na wala siyang tutol sa pagdaraos ng religious gathering,na may 10%seating capacity,subalit walang  magaganap na religiois activities sa labas ng mga simbahan.

Gayunman,nanawagan ang alkalde sa publiko na sumunod pa rin sa  health standards tulad ng pagsusuot ng face mask,face shield at social distancing.

Magugunitang ipinag utos ng Inter Agency Task force on Emerging Infectious (IATF)  na bawal muna ang anumang  mass gathering, kabilang na ang religious gathering subalit  tutol dito si Pabillo at binatikos pa ang pamahalaan dahil wala umanong naganap na konsultasyon sa panig ng simbahan.

Ayon kay Pabillo,hindi rin umano malinaw sa IATF kung ano ang konsepto ng mass gathering dahil hindi umano maituturi g na mass gathering ang 10%seating capacity.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.