1,700 health workers, target bakunahan ng Sinovac at AstraZeneca ngayong araw sa Maynila

Share this information:

TARGET ng pamahalaang lungsod ng Maynila na makapagbakuna ng 1,700 frontline health workers o higit pa hanggang maubos ang bakuna.

Sa gitna  ito ng muling pagpapatuloy  ngayong araw ng vaccination para sa COVID-19 sa lungsod.

Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang vaccination sa Ospital ng  Maynila Medical Center ng AstraZeneca vaccine na inaasahang mabakunahan ang nasa 1,000 indibidwal .

Habang nasa 700 indibidwal naman ang babakunahan ng Sinovac vaccine sa Sta.Ana Hospital..

Sa  pinakahuling ulat ng Manila Health Department, umabot na sa 10,412 frontline workers ang nabakunahan na sa Lungsod ng Maynila hanggang nitopng Marso 24.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.