DOTr, handa na sa Semana Santa

Tiniyak ng Department of Transportation (DoTr) ang kaligtasan at kalusugan ng mga tao sa paparating na Semana Santa.

Sinabi ni Transportation Asec. Goddes Hope Libiran sa Kapihan session na kanila nang i-a-activate  ang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa Semana Santa.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Transportation Sec. Arthur Tugade upang ma-alerto na rin ang iba pang attached agencies ng DOTr  gaya ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at iba pang pangunahing railways sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay nakapaglatag na ang nasabing mga ahensya ng mga kinakailangan para sa ligtas na Semana Santa sa kabila pa rin ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi naman ni Asec. Mark Pastor, ang Inter Agency Council for Traffic o I-ACT ay maglulunsad na din ng mga  operasyon upang matiyak na mapapatupad ang health at safety protocols sa mga pampublikong transportasyon. At upang masiguro na masusunod ang mga batas-trapiko at health standards ay magdedeploy na din ng dagdag na mga traffic enforcer.

Mahalaga aniya na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga bumibiyahe  at mga
magbabakasyon sa Holy Week, lalo’t naririyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Payo ng DOTr sa  publiko, alamin kung ano ang requirement sa mga lugar na kanilang pupuntahan bago bumiyahe.

Dagdag pa ni LIbiran, nasa LGUs pa rin ang desisyon kung magre-require ang mga ito ng RT-PCR o anti-gen test sa mga papasok sa kanilang lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.