Nabigong mailabas ng Port of Cebu ang undervalued bulk shipment ng isang brand new 2020 Model KR 165C Rotary Drilling Rig mula China matapos mapag-alamang peke ang mga dokumento ng importation.

Tinatayang aabot sa P1.3 milyon ang mawawalang kita sa buwis ng gobyerno dahil sa tangkang pagpupuslit.
Sa deklarasyon, ang kargamento ay naka-consign sa Jlinks Marketing na nagkakahalaga ng $25,600 at suportado ng Loan Port Survey Report (LPSR) na isinumite ng kinatawan ng consignee.

Base sa idineklarang halaga, ang kabuuang kabayaran ng duties at taxes ay P159,390.
Bilang isang usapin ng karaniwang pamamaraan, ang nakatalagang examiner at appraiser ay gumawa ng karagdagang pagpapatunay at nalaman na ang LPSR na isinumite ng mga kinatawan ng consignee ay pinalsipika at ang shipment ay talagang nagkakahalaga ng $247,000 na may duties at taxes na dapat umabot sa Php1,472,774.
Ang pagkakaiba sa halaga ay nagresulta sa isang nakakagulat na diperensya ng higit sa 89 percent sa customs duties at taxes.
Dahil dito, agad na nag-isyu si Atty. Charlito Martin Mendoza, Acting District Collector, ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento matapos matuklasan ang mga paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.