4 lalaki, patay sa checkpoint encounter sa Pampanga

crime scene do not cross
Share this information:

PATAY ang apat na indibidwal sa inilatag na “Oplan Sita” ng pulisya sa bahagi ng Calulut By-Pass Road, Barangay Calulut sa San Fernando City, Pampanga pasado alas 3 ng madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat mula sa Pampanga Provincial Police Office (PPPO), naglatag ng checkpoint ang mga pulis dahil sa natanggap na impormasyon tungkol sa carjacking at robbery activity sa lugar nang maharang nila ang 4 na lalaki na sakay ng kotseng may plakang UQG 517.

Pinara umano ang kotse pero sa halip na huminto ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis hanggang sa magkaroon na ng engkwentro sa mismong checkpoint.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay wala ng buhay ang apat na lalaki sa loob ng kotse kasabay sa pagkakarekober sa apat na baril. Patuloy pa na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga napaslang na suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.