9 arestado sa mahigit P900K shabu sa Maynila

ARESTADO ang siyam na indibidwal kabilang ang tatlong kababaihan sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng MPD-Station 3 kagabi sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Unit, tinukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek na sina Hector Mohammad, 44; Cesar Usman, 36; Jessie Decomo, 43; Rogelio Villanueva, 50; Orlando Bugayong, 32; Rico Osenar, 42; Snooky Dela Rosa, 39; Nedzma Pustahan, 28 at Girlie Utao, 34.

Alas 7 ng gabi ng Sabado, August 7, 2021, ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Carlos Palanca St., kanto ng Quezon Boulevard ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng MPD-PS 3 sa pamumuno ni Police Maj. Pidencio Saballo Jr at Police Lt. Col. John Guiagui.

Target umano sa operasyon si Mohammad kung saan naaresto rin ang iba pa nitong mga parokyano  dahil na pagbebenta ng illega na droga.

Nakuha sa mga suspek ang 12 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pimaminiwalaang shabu na na may bigat na 135 gramo at at tinatayang aabot sa P918,000.00.

Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.