88 pang pulis tinamaan ng COVID-19

Share this information:

NADAGDAGAN pa ng 88 ang mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) ngayong Marso 9, umaabot na sa 11,830 ang mga tauhan nitong nagpositibo sa virus infection.

Sa nasabing bilang, 633 ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling sa sakit.

Samantala, aabot naman sa 11, 165 ang mga pulis na naka-recover o gumaling na sa COVID-19.

Walang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 na nananatili pa rin sa 32.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.