82-anyos na siklista, napabilib ang marami dahil sa taglay na lakas nito

NAPABILIB ng isang 82-anyos na siklistang lolo ang marami dahil sa angking lakas nito sa pagbibisikleta matapos akyatin ang matarik na daan sa Mabini Road sa Cebu. 

Sa isang panayam ngayong Huwebes, Setyembre 2, 2021, si Lolo Rustico Mabunay o “Lolo Ekoy” sa marami, ay matapang na inaakyat ang Mabini Road halos araw-araw ng pagbibisikleta nito gamit ang kanyang lumang bisikleta. 

Ayon kay Lolo Ekoy “Masayang-masaya ako, unang-una, dahil mayroon akong malusog na pangangatawan. Walang nararamdamang sakit at malakas pa.”

Sa edad na 82, si Lolo Ekoy ay walang nararamdamang anumang sakit kaya siyang madalas kung ano ang sikreto nito sa pagiging malakas at malusog na pangangatawan.

Nag-e-exercise ako ng mga paa ko para hindi ako matumba. Sana bigyan pa ako ng maayos na pangangatawan, ng mahabang buhay, para makita ko ang mga anak ko pati ang mga apo ko.” ayon kay Lolo Ekoy

Ayon kay Hener Tirad Jaca, isang siklista at photographer, lagi niya itong hinihintay na dumaan upang kuhanan ng litrato at panoorin dahil isa siya sa mga napapabilib ni Lolo Ekoy sa lakas nito mag-bisikleta. 

Kapag nakikita na namin siyang magpadyak doon pataas, siya na po ‘yung attraction namin. Normal na po sa kanya. Kayang-kaya niya talaga,” ayon kay Hener. 

(PHOTO CREDIT: Stefners Fotographia)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.