7,000+ COVID-19 patients sa Taguig City, gumaling

Share this information:

Nasa 7,120 kabuuang bilang ng mga residente ng Taguig City ang tuluyang gumaling mula sa nakamamatay na sakit na coronavirus 2019 o COVID-19.

Ang patuloy na pag recover ng mga pasyenteng may COVID-19 ay dahil umano sa pagsisikap ng Taguig LGU sa pamamagitan ng kanilang mga medical frontliners at iba pang frontliners na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nagdagdag din ang lungsod ng mga quarantine facilities para matiyak na mabigyan ng kalinga ang mga nahawa sa naturang sakit.

Batay sa datos ng City Health Department (CHD), umabot sa 7,622 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa lungsod matapos makapagtala ng 66 na panibagong kaso ng Covid-19.

Kasama sa nasabing bilang ang 446 na aktibong kaso mula sa 28 barangay habang nasa 56 naman ang namatay.

Muntinlupa City

Samantala, nasa 3,990 ng COVID-19 patients mula sa Muntinlupa City ang naka recover sa virus.

Sa kasalukuyan ay nasa 216 naman ang bilang ng active cases, nasa 144 ang kabuuang bilang ng mga namatay habang 568 na mga residente ang maituturing na may ‘probable cases’ mula sa siyam na barangay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.