Breaking News

Share this information:

PITO ang kumpirmadong patay nang bumagsak ang Huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bulunay, bayan ng Impasug-ong, Bukidnon, Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni Major Rodulfo Cordero, Public Affairs Office chief ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na kabilang sa mga nasawi sa aksidente ay dalawang piloto ng PAF, tatlong miyembro ng Philippine Army at dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAGFU).

Pasado alas-dos ng hapon nang mangyari umano pagbagsak ng chopper sa bahagi ng Sitio Bulunay.

Magdadala sana ng supplies ang mga sundalo nang mangyari ang aksidente.

Habang nasa ere ay napansin umano ng mga kasama sa isa pang helicopter na umuusok ang Huey at pinilit ng piloto nito na iwasang bumagsak sa mga bahay.

Patuloy pa ang search and retrieval operation sa lugar ng aksidente.

FrontpagePH joins the nation in praying for our fallen heroes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: