6 na bayan sa Batangas, zero COVID-19 na

Share this information:

WALA nang naitalang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa anim na bayan sa Batangas.

Batay sa huling ulat ng Batangas Provincial Health Office, zero active case na sa mga bayan ng Agoncillo, Sta. Teresita, Tingloy, San Nicolas, Taal at Tuy.

Samantala, sampung bayan sa Batangas ang may mataas na bilang ng kaso ng nakamamatay na sakit kabilang ang Batangas City, Tanauan City, Lipa City, San Jose, San Pascual, Bauan, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, Balayan, Calaca at Sto. Tomas City.

Sa huling datos ng PHO, umabot na sa 10,821 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa 11,627 kumpirmadong kaso sa lalawigan. Nasa 343 naman ang naitalang nasawing pasyente at nananatiling 463 ang aktibong  kaso sa lalawigan ng Batangas.

Ang lalawigan ng Batangas ay mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.