MAHIGIT sa isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa tumupok sa tinatayang 500 bahay sa Covelandia Road, Barangay Samala-Marquez sa Kawit, Cavite.
Nabatid na dakong alas-12:20 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa hanay ng mga bahay ng informal settlers sa lugar.
Batay sa paunang pagtataya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa isang milyong piso ang halaga ng ari-arian na natupok sa sunog. Kabilang sa nadamay ay ang barangay hall, covered court at day-care center sa lugar.
Idineklara naman ang fire-out dakong alas-4:30 ng umaga.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

