‘4-minutes workout’ program sa buong Metro cops laban sa COVID-19

Share this information:

Ipinatutupad na ang 4 minutong ‘workout’ program sa buong kampo, police stations at mga presinto sa limang police districts ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para manatiling physically at mentally fit ang isang pulis lalo na ngayong may pandemya.  

Sa naturang programa, obligado ang lahat ng mga pulis na sakop ng NCRPO na gawin ang maikling ehersisyo sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng pagtayo, itigil ang lahat ng kanilang ginagawa kapag narinig na ang patutugtuging musika para sa stretching o jumping jacks sa tuwing alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Debold Sinas, makatutulong umano ito sa sirkulasyon ng dugo at pagbawas ng hypertension.

Una na itong ipinatupad noong Pebrero 17, 2020 bago pa pairalin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Isa lamang ang programa sa mga inisyatibo ng NCRPO para garantiyahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga frontline personnel ng NCRPO laban sa coronavirus disease (Coved-19) at iba pang emergency health situations.

“We are glad that the 4-minute workout helps in strengthening our personnel’s body alongside their own personal workout activities. Healthy and capable police officers are our best asset in maintaining peace and order in the community while also fighting the unseen enemy,” ani Sinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.