Breaking News

Share this information:

DEDBOL ang tatlong magkakamag-anak nang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa national highway sa bahagi ng Barangay Samput, bayan ng Paniqui sa Tarlac.

Wasak na wasak ang mini-van na sinakyan ng mga namatay na magkakamag-anak na sina Fernando Navarro, 51-anyos, Jovito Dela Cruz, 55, at Vertilla Navarro, 70. Sugatan naman sa insidente ang drayber ng Starex van.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sangkot sa aksidente ang isang trak, Starex van at mini-van.

Makikita sa kuha ng CCTV sa lugar na sa gitna ng maayos na daloy ng mga sasakyan ay biglang lumihis patungo sa kabilang linya ng kalsada ang mini-van at sumalpok sa trak at sa SUV na nakasalubong nito.

Sinabi ni Police Lt. Col. Noriel Romboa, hepe ng Paniqui Police Station, hindi naman nag-overtake sa ibang sasakyan ang mini-van ngunit bigla itong kumabig pakaliwa na naging dahilan ng trahedya.

Ayon kay Jovicel dela Cruz, kaanak ng mga nasawi, papunta sana ng Calasiao, Pangasinan ang mga biktima para dumalaw sa kanilang kamag-anak duon.

Posible aniyang may sira ang sasakyan na ginamit ng mga biktima at maaaring nagkaroon ng pagkakamali sa drayber nito.

“Uuwi daw sila sa Pangasinan para dalawin din yung kapatid. May possibility na sira yung sasakyan or driver’s error. Yung pinsan ko rin kasi ‘di siya totally okay sa pagmamaneho,” pahayag ni dela Cruz.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: