3 menor de edad, nasagip ng NBI

Share this information:

Tatlong menor-de-edad na biktima diumano ng online sexual exploitation ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division kamakailan.

Ayon kay Atty. Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, nasagip ang  tatlong biktima  sa Dasmarinas, Cavite.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng isang kasong ipinabatid ng Federal Bureau of Investigation o FBI sa Philippine Internet Crimes Against Children Center at ipinasa naman sa NBI para maimbestigahan.

Nadiskubre na isang Filipina ang nakikipag-ugnayan  sa isang US based na lalaki na nagbibigay umano ng pera kapalit ng mga Online Sexual Exploitation of Children o OSEC materials.

Nagtagal umano ito mula 2018 hanggang noong 2019, at ipinapadala ang mga materyal sa pamamagitan ng Facebook.

Dahil sa nakarating na ang ulat sa NBI, agad na nagkasa ito ng surveillance  operation at napag-alaman na ang isa sa mga biktima ay anak pa mismo ng suspek na Pinay.

Ang dalawa pang biktima ay natunton ng NBI sa tulong  ng mga opisyal ng kanilang paaralan na pinapasukan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Social Welfare Department ang mga biktima at pansamantalang nananatili sa isang shelter sa isang hindi binanggit na lugar upang mapangalagaan ang kanilang seguridad.

Tiniyak naman ng NBI na  tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga taong sangkot sa Online Sexual Exploitation lalo na sa mga kabataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New year, new decade for PR in the Philippines

Tue Jan 12 , 2021
They say that this new year and new decade is both a celebration and a challenge, and it is an apt description. Celebration because despite the COVID-19 pandemic, society continues to rebuild itself, the economy is beginning to move, recover and rebuild, and industries are adapting to the so-called “new […]

Follow Us

%d bloggers like this: