3 kelot, tiklo sa pagbebenta ng mahigit P6-milyon halaga ng ‘shabu’ sa Pasay

Share this information:

Arestado ng mga operatiba ng Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (ESS-PDEA) ang tatlong lalaki dahil sa pagbebenta ng ilegal na drogang ‘shabu’ sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina John William Torres Pascua, 31, ng 719 P. Rivera St., Dimasalang, Pasay City; John Francis Marayag Pagsanhan, 27, ng 153 J. Luna St. at Christopher Jake Saulog, 31, ng 515 General Lacuna St., Bangkal, Makati City.

Base sa ulat ni PDEA Agent Romeo Matias Jr. kay Philippine Drug Enforcement Agency-Special Enforcement Service (PDEA-SES) Regional Director Rogelito Daculla, nitong Oktubre 4, 2020 nang mahuli ang suspek sa 361 Libertad St. sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam ang kabuuang isang kilo ng shabu na may P6.8 milyon halaga at ang buy-bust money na P1-milyon.

Kinumpiska din ang isang Honda Click at isang Rusi na mga motorsiklo na ginamit sa pagdeliber ng kontrabando.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.