Breaking News

Share this information:

HABANG ang bansa ay gumagawa ng paraan upang makabawi sa ekonomiya nang hindi nakokompromiso ang panganib sa kalusugan ng publiko mula sa COVID-19.

UMABOT sa 249 na lugar sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa granular lockdown. Ang mga lugar na ito na pinatawan ng bagong community quarantine scheme ay nakatala sa 115 na barangay sa loob ng 10 lungsod at munisipyo.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 700 na pulis ang ang na-deploy at karagdagang 933 force multipliers pa para sa mga lugar kung saan ipinatupad ang lockdown.

 Sa ilalim ng granular restrictive measures, ang local government unit (LGU) ay may kapangyarihan upang magdesisyon kung ang isang bahay, compound, kalye, o gusali ay nasa isang kritikal na lugar, na may espesyal na concern batay sa bilang ng kaso ng COVID-19 nito.

Binigyang diin din ni Parañaque Mayor at Metro Manila Council (MMC) head Edwin Olivarez na maaari p aring isailalim sa “micro- granular” lockdown ang partikular na tahanan o lugar kahit pa ito ay may isa lamang na kaso ng COVID-19.

Buong kalye ang mapapasailalim sa “micro-granular” lockdown kung ang lugar ay may naitala na dalawang kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: