2 tanod wanted sa pagpatay sa curfew violator

Share this information:

TINUTUGIS na ng mga awtoridad ang dalawang tanod ng Barangay matapos umanoy mapatay ng mga ito sa gulpi ang isang lalaki na lumabag sa curfew sa Barangay Turbina sa Calamba City, Laguna.

Tuluyan ng tumakas at hindi na nagpakita pa sa kanilang lugar matapos ang insidente sina Arjay Bahan Abierta at Joel Oriel Ortiz na itinuturong nakapatay sa biktima na nakilalang si Ernanie Jimenez.

Ayon kay Calamba City Police Station (CCPS) Chief Police Lt. Col. Jonathan Villamor, nagtungo sa kanilang himpilan ang kapatid ng biktima na si Gledien Jimenez, 31 taong gulang, upang ipagharap ng reklamo laban kina Abierta at Ortiz sa ginawang pambubogbog ng mga ito sa kanyang kapatid na nangyari noong alas 11 ng gabi ng Miyerkules, Abril 7, 2021.

Gayunpaman dahil sa labis na tinamong mga bugbog sa katawan at ulo bunsod ng panggugulpi ng dalawa ay na-confine sa Calamba Medical Center Hospital si Ernanie subalit makalipas ang dalawang araw ay binawian ito ng buhay nitong Biyernes, Abril 9, 2021.

Bago ito, napag-alaman sa salaysay ni Jimenez na hinuli ang kanyang kapatid ng mga suspek na nagpapatrulya sa kalye dahil iniimplementa sa lugar ang curfew at nasa labas pa ito.

Pero agad nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng biktima at dalawang tanod ng ipilit ng dalawa na isama si Ernanie sa Barangay hanggang sa mauwi na sa pambubogbog. Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa dalawa na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Andanar recovers from COVID-19

Sat Apr 10 , 2021
TWO weeks after being diagnosed as positive for the deadly virus from Wuhan, China, Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar announced his full recovery. “I am pleased to share that I have fully recovered from COVID-19 after undergoing a 14-day home quarantine,” Andanar said in a statement. “I […]

Follow Us

%d bloggers like this: