Dalawang indibidwal ang patay habang kritikal ang isa pa sa naganap na shooting incident sa isang disputed land sa Barangay Pulo, Hermosa, Bataan pasado alas 11 ng tanghali ngayong araw ng Biyernes, September 25, 2020.
Sa report mula kay Police Major Jeffrey Onde, Hermosa Police chief kay Bataan Police Provincial Office (BPPO) Director, Police Col. Jesus Rebua, nakilala ang mga biktimang sina alyas Joey Valencia, alyas Melton Valencia at alyas ER Valencia.
Ayon sa isang nakasaksi sa krimen, 2 armadong lalaki ang bumaril sa mga biktima saka mabilis na tumakas lulan ng isang van na may nakabuntot na motorsiklo at tricycle.
Dead on the spot sa lugar ng pananambang sina Joey at Melton Valencia habang kritikal na isinugod sa ospital si ER Valencia.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.