2 beybi, patay sa COVID-19 sa Bataan

Share this information:

NASAWI ang dalawang sanggol makaraang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bataan.

Kinumpirma ng Bataan Provincial Health Office na galing ng bayan ng Dinalupihan ang 11-buwang sanggol na pumanaw habang ginagamot sa ospital.

Taga-bayan ng Hermosa naman ang apat na buwang sanggol na pumanaw din sa sakit.

Sa huling tala, umabot na sa 555 ang bilang ng mga pumanaw sa Bataan dahil sa COVID-19.

Ang iba pang namatay ay 64-anyos na lalaki mula sa bayan ng Abucay; 50-taong gulang na babae mula Dinalupihan; dalawang babae sa Limay (55-taon at 71-anyos) at apat na babae mula sa bayan ng Mariveles na siyang itinuturing na epicenter ng COVID-19 sa probinsiya.

Sa ngayon ay nasa 2,478 ang active cases sa Bataan at 1,379 ay mula sa Mariveles.

Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Bataan dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na itinuturong dahil sa pagpasok ng Delta variant sa lalawigan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.