Breaking News

Share this information:

NASAWI ang dalawang babaeng pasahero makaraang madisgrasya ang sinakyan nilang kotse na halos nayupi sa C5 flyover sa Pasig City, Lunes ng madaling araw.

Lulan ng kotse ang apat na katao na bumabagtas ng northbound ng flyover malapit sa Ortigas interchange nang mabangga umano ng trak dakong alas-2:36 ng madaling araw. Patungo sana ng Marikina City ang mga biktima mula sa Makati City nang mangyari ang trahedya.

Naipit at namatay sa lugar ng aksidente ang dalawang babaeng pasahero habang sugatan ang lalaking drayber at isa pang sakay nito.

Ayon sa salaysay ng drayber ng kotse sa MMDA, nasalpok umano ng trak ang kanilang kotse ngunit sila’y tinakbuhan.

Patuloy nang iniimbestigahan ng Pasig City Police ang insidente habang inaalam kung mayruong magagamit na kuha ng CCTV camera malapit sa lugar upang matukoy ang trak na nakadisgrasya sa mga biktima.

Photo Credit: Ralph Rodriguez

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: