BALANGA CITY – PINANGUNAHAN ni Bataan Governor Albert S. Garcia ang pagbubukas ng Provincial Government of Bataan Wheelchair Repair Shop sa Capitol Compound.
Ayon kay Garcia, ang Bataan ang siyang kauna-unahang nakapagpatayo ng ganitong pasilidad sa buong bansa.
Layunin nito na makapagbigay ng serbisyo sa mga may kapansanan ng libre tulad na lamang ng pagkukumpuni ng mga wheelchair at iba pang assistive devices na kanilang ginagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay.
Aniya, bahagi ito ng pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan sa pag-unlad kung saan walang Bataeño ang maiiwan.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang aktibidad sina Provincial Social Welfare and Development Office Head Marilyn Tigas, Sangguniang Panlalawigan Committee on Health Chairperson Dr. Bong Galicia, Latter-Day Saints Charities o LDS Social Services Head Sister Lya Lucila, Orion Stake President Benjie Pajanustan ng The Church of Jesus Christ of LDS.
Kabilang din sa mga nakiisa ang mga bumubuo ng Provincial Council on Disability Affairs at Samahan ng Taong May Kapansanan sa Bataan.