18 ex Marines ni Zaldy Co muling pina -subpoena ng NBI

BUMALIK sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 18 nagpakilalang dating Marines at security aides ni resigned Cong. Zaldy Co, at abogado nilang si Atty. Levi Baligod kahapon ng umaga.

Ito’y makaraan silang ipa-subpoena ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa ikalawang pagkakataon. 

Sa isang ambush interview, pinabulaanan ni Atty. Baligod na hindi pumayag ang mga dating sundalo na mausisa ng bureau tungkol sa kanilang affidavit.

Aniya, hindi totoong background check o identity verification lang ang nangyari sa una nilang pagharap noong Marso 12 ng taong kasalukuyan.

Subalit kahit umano kinuwestyon niya ang limitasyon ng subpoena ng NBI, pumayag si Baligod na makausap isa-isa ang ex-Marines.

Aniya ,Ombudsman lang at hindi ang NBI ang nag-obliga sa kanilang magsumite ng individual affidavit. 

Sinabi ni Baligod na magsusumite sila ng hinihinging mga dokumento ni NBI director Matibag gaya ng contract of employment.

Pero dahil wala aniya rito si Co para mag-isyu ng sertipikasyon, secondary evidence ang isusumite nila partikular ang larawan ng identification cards.

Pinasurender din umano sa mga ito ang kanilang IDs nang ma-terminate sa trabaho.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.