Breaking News

Share this information:

UMAABOT na ngayon sa dalawampu na mga bumisita sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City ang nagpositibo sa COVID-19.

Iyan ay makaraang madagdagan ng labing-anim pang dumayo sa resort na natukoy na positibo sa virus matapos masuri.

Ayon sa Caloocan City LGU, ang dalawampung indibidwal ay mula sa 207 na indibidwal na una nang natunton at nasuri ng Caloocan City LGU.

Sa ngayon ay inaantabayan pa ang resulta ng COVID-19 test sa 55 pang indibdiwal habang nagpapatuloy din ang contact tracing.

Una nang natukoy nuong  nakaraang linggo ang apat na nagpositibo sa COVID-19 matapos na magpunta sa Gubat sa Ciudad.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: