16 miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro sa Eastern Samar

TINATAYANG labing-anim na hinihinalang miyembrong New People’s Army (NPA) ang napatay kasunod ng engkuwentro sa militar sa Dolores, Eastern Samar.

Kinumpirma ito ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Colonel Ramon Zagala na aniya’y walang naiulat na nasawi sa panig ng militar.

Maliban sa mga napatumbang rebelde, tinatayang 29 na high-powered na mga armas din ang nasamsam ng mga awtoridad.

Umaga ng Lunes nang sumiklab ang sagupaan sa bisinidad ng Barangay Osmeña ng nasabing bayan.

Ayon kay Zagala, nagsagawa ang Joint Task Force Storm ng joint ground, air, at sea operation laban sa mga komunista makaraang makatanggap ng impormasyon tungkol sa pinagtataguan ng NPA na ginagawang pabrika ng mga armas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.