NASAGIP ng Philippine Coast guard (PCG) ang 13 kababaihan na biktima ng Trafficking in Persons (TIP) na ikinaaresto naman ng isang suspek sa Sitio Gaunan Asiubih,Brgy. Gaunan munisipalidad ng Maluso,Basilan.
Katuwang ng PCG sa operasyon ang regional Inter-Agency Council Against Trafficking (RIACAT).
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang TIP victims ay nasa edad 21 hanggang 40 at residente ng Metro Manila, Nueva Ecija, Quirino, Capiz,Zamboanga del Norte at Maguindanao.
Ang mga biktima ay patungo umanong Malaysia para magtrabaho sa pamamagitan ng illegal na pamamaraan.
Agad naman silang binigyan ng humanitarian assistance at dinala sa Maluso Munisipal Police Station para sa tamang dokumentasyon. Matapos nito ay agad silang hinatid sa Department of Social Welfare and Development Regional Office-IX kung saan sila sumailalim sa swab test at mandatory quarantine bago sila mapauwi sa kani-kanilang mga pamilya.