NAKAPAGTALA ang Department of Health ng karagdagang 11,085 mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, mas mataas sa naitalang 10,035 kahapon.
Sa case bulletin #522 ng DOH, umabot na sa kabuuang 1,776,495 ang mga tinamaan ng virus sa bansa at sa nasabing bilang, 105,151 ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling sa virus infection.
Samantala, mayruong 11,628 na gumaling sa sakit, bahagyang mas mataas sa 10,858 na naitala kahapon at sa ngayon ay nasa 1,640,721 na ang total recoveries sa COVID-19.
Mayruon namang 161 na nadagdag sa listahan ng mga pumanaw sa sakit, mas mataas sa 96 na naitala kahapon.
Dahil diyan, umaabot na sa 30,623 ang bilang ng mga namatay sa virus sa bansa.
Iniulat ng DOH na operational ang lahat ng laboratoryo na pinagkukunan ng mga datos gayunman, siyam ang hindi nakapagsumite sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

