10-anyos na babae, patay sa ‘Tiktok challenge’

Share this information:

NASAWI ang isang 10-anyos na babae habang inire-record nito ang sarili para sa isang Tiktok challenge.

Ang biktima na hindi na pinangalanan ay pumanaw sa ospital sa Palermo, Italy dahil sa hirap sa paghinga.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad roon, sinubukan umano ng bata ang tinatawag na “blackout challenge” na ang promotor ay ang sikat na online application na “Tiktok”, kung saan ay pipigilan nitong huminga ng ilang sandali subalit, hindi na ito naka-recover pa at tuluyang hindi na nakahinga.

Sinasabing isinagawa ang challenge ng bata sa loob ng kanilang banyo gamit ang sinturon at unti-unting sinasakal ang sarili habang inire-record ang pangyayari sa kanyang cellphone.

Kaugnay nito ay sinisi ng magulang at maging ng publiko kasabay sa pagtuligsa sa kumpanyang “ByteDance”, isang Chinese firm na lumikha sa sikat na online app, dahil sa labis na kapabayaan.  

Dapat umanong may obligasyon ang kumpanya sa mga subscribers nito lalo na kung mga menor de edad dahil sa mga posibleng karahasan na maidudulot sa kanilang mga sarili.

Bilang pagresponde sa pangyayari, inatasan ng Italian authorities ang Chinese firm na i-block nito ang lahat ng accounts ng mga nais mag-subscribe na hindi kinukumpirma ang kanilang tunay na edad. Pansamantalang ipinatigil ng gobyerno ang paglaganap ng Tiktok sa buong Italya habang gumugulong pa ang imbestigasyon at pinag-aaralan din kung may pananagutan ang kumpanya sa pagkamatay ng bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

House tax panel approves committee report on labor protections for freelancers

Mon Jan 25 , 2021
The House Committee on Ways and Means has approved the unnumbered substitute bill which provide legal and contractual protections to freelancers, or self-employed individuals who take seasonal or short-term jobs, such as wedding planners, content writers, artists, and others who take ‘gigs.’ The protections will also entitle freelancers to benefits […]

Follow Us

%d bloggers like this: