POSIBLE umanong may mabuong isa hanggang dalawang bagyo para sa buwan ng Hunyo, kung pagbabatayan ang climatological record ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, mayruong apat na karaniwang tracks o dinadaanan ng mga bagyo tuwing Hunyo tulad ng pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit liliko patungong Pacific Ocean bago mag-landfall at saka kikilo patungong Taiwan o Japan.
Maaari rin umanong pumasok ng PAR ngunit liliko patungong Japan o kaya naman ay mag-landfall na babagtas ng katimugang bahagi ng Luzon patungong Hilagang Vietnam o Hong Kong.
Pupuwede ring maglandfall ang mga bagyo na babagtas ng Silangan at Kanlurang bahagi ng Visayas bago bumagtas ng Hilagang Vietnam o Taiwan.
Batay naman sa forecast rainfall ng PAGASA sa Hunyo, magiging halos normal ang dami ng pag-ulan na bubuhos sa Kalinga, Apayao, at Cagayan gayundin sa iba pang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.
Sa Hulyo naman, mas mababa sa normal ang kondisyon ng pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Cavite, at Guimaras.