Vaccine registration para sa mga menor de edad sa Tagaytay, nagsimula na

PINAYAGAN na ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay ang pagpaparehistro ng mga menor de edad upang magpabakuna kontra COVID-19.

Sa kanilang Facebook page, inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay na maaari nang magparehistro ang mga residenteng nasa edad 12-17. At upang magparehistro, maaari silang makipag-ugnayan sa kanilang barangay vaccine focal person.

Gayunman, binigyang linaw na registration pa lang ang isinasagawa at wala pang tiyak na araw kung kailan sisimulan ang pagbabakuna. Ito ay sa kadahilanang limitado pa rin ang supply ng bakuna sa bansa na nauna na ring sinabi ng Department of Health.

Pumalo na sa 2,784 ang naitalang mga kaso ng COVID-19 sa Tagaytay noong Setyembre 14, 2021.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.