Usok na lumalabas sa subdivision sa Los Banos, idudulog sa PHIVOLCS

Ininspeksyon kaninang umaga ng lokal na pamahalaan ng Los Banos ang isang subdibisyon  sa Barangay Tadlac kung saan napaulat na sumisingaw ang usok na di-umano’y nagmumula sa Bundok Makiling.

Pinulong ni Mayor Tony Kalaw ang mga kawani ng Sangguniang Barangay ng Tadlac, Provincial Environment and Natural Resource Office (PENRO), DENR-Mines and Geosciences Bureau (MGB) at homeowners association ng Lakewood Subdivision upang matukoy ang gagawing hakbang at kung ano ang magiging epekto nito.

Ipasusuri din ng maigi ng Los Banos sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) upang makapagsagawa ito ng mas masusing pag-aaral kaugnay ng napaulat na insidente.

Ang Bundok Makiling ay isang inactive volcano at ang mga spring at steam ay ebidensiya ng old magma sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.