Unity walk at peace covenant signing para sa eleksiyon, idinaos sa Bataan

ANG mga kumakandidato sa iba’t ibang lokal na posisyon sa Bataan ay lumagda sa isang Peace Covenant ng ginanap kahapon, araw ng Lunes. 

Sinabi ni Bataan Police Provincial Office (PPO) Director Police Col. Romell Velasco na ang layunin ng peace covenant ay ang pag-isahin ang lahat ng sektor ng lipunan tungo sa pagdaraos ng ligtas at mapayapang halalan sa Mayo 9, 2022.

Sinabi nito na ang tagumpay ng eleksiyon ay masusukat sa pagkakaroon ng sportsmanship ng mga kandidato at walang maitatalang insidente ng karahasan sa buong panahon ng halalan.

Pahayag pa ni Col. Velasco, katuwang nila ang mga kasundaluhan at ang Commission on Elections (Comelec), at puspusan din ang paghahanda ng mga awtoridad upang masigurong magiging maayos ang pagdaraos ng eleksiyon sa buong lalawigan.

Samantala, tiniyak naman ni PD Velasco na paiigtingin pa rin nila ang laban at pagbabantay sa anumang uri ng kriminalidad para sa katahimikan at kaligtasan ng mga nasasakupang mamamayan.

Nanguna sa Unity Walk, Inter-Faith Rally at Peace Covenant signing ang mga advocates ng Safe, Accurate, Fair, Election mula sa Comelec, Bataan PPO, Armed Forces of the Philippines, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at National Citizens’ Movement For Free Elections.

Ang tradisyonal na peace covenant ay dinaluhan ng mga tumatakbong kandidato sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan mula congressman, gobernador, bise gobernador, mga bokal, ilang mayoralty candidates at councilors kasama si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos.

(PHOTO CREDIT: https://1bataan.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.