Breaking News

Share this information:

ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong suspek na si Stephen Yu alyas “Steve,” 36 anyos, tricycle driver ng 4284 Bagong Sibol Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.

Ayon kay SDEU investigator PCpl. Christopher Quiao, dakong alas-7 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, ng buy-bust operation sa 3031 A Dela Cruz St. Brgy. Ugong.

Kaagad inaresto ng mga operatiba si Yu matapos bentahan ng P2,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

Nasamsam sa suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 2 pirasong P1,000 boodle money, P180 cash, cellphone at coin purse.

Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: